ni Lolet Abania | January 3, 2022
Mahigit sa 100 personnel ng Metro Manila’s rail lines ang nagpositibo sa test sa COVID-19, batay sa anunsiyo ng mga opisyal nito ngayong Lunes, kasabay ng pagtaas ng mga bagong kaso ng virus sa bansa.
Ayon kay Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) Director for Operations Michael Capati, 17 personnel ng rail line ang positibo sa COVID-19 sa ginawang mass antigen testing sa kanilang depot ngayong Lunes ng umaga.
Nakatakda ring magsagawa sa mga naturang empleyado ng confirmatory RT-PCR test sa Martes, Enero 4.
Sinabi naman ni Philippine National Railways (PNR) Assistant General Manager Celeste Lauta na nakapag-test sila ng 357 empleyado ng rail lines, kung saan 87 ang nagpositibo sa antigen tests habang pinauwi na rin agad ang mga ito para sa isolation.
Comments