ni Lolet Abania | September 20, 2020
Tatanggap ng dalawang kilo ng bigas ang bawat mamamayan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya mula sa donasyon ng People’s Republic of China na 10 tonelada sa tulong ng Consulate office ng Laoag City, Ilocos Norte.
Labis ang pasasalamat ni Gov. Carlos Padilla sa tulong ng Consulate ng China sa Laoag sa pamumuno ni Consul Zhou Youbin, kung saan matutugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga residente ng kanilang lugar.
Ayon kay Padilla, nakapagbalot na sila ng 5,000 packs na tig-2 kilong bigas mula sa 10 toneladang donasyon ng China at ipapamahagi ito sa bawat mamamayan na kasama sa ayuda ng provincial government ng Nueva Vizcaya.
Samantala, natanggap ng provincial capitol ang donasyong bigas ng China sa tulong ni Provincial Social Welfare and Development Officer Flordelina Granada at ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Robert Corpuz noong Biyernes.
Comments