top of page
Search

10 tips para maging matipid sa pang-araw-araw na pamumuhay

BULGAR

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 12, 2021




Isang malaking aral na marahil sa ating lahat ang nagdaang pandemya, ang taong 2020 na talagang nanubok sa kakayahan nating lahat na makaraos sa buhay. Kaya sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, nawalan ng trabaho hindi lang isa sa pamilya kundi dalawa o tatlo, kailangan talagang gumawa tayo ng paraan para mabawasan ang sobrang budget sa mga gastusin at makatipid ng ekstrang pera.

Kahit maliliit na pagbabago lang ay malaking bagay na para makatipid at mananatili pa ring mae-enjoy ninyo ang inyong paboritong gawin at aktibidad.


Ang pagtitipid na rin ang makatutulong sa pagdating sa panahon ng pagreretiro, bayaran kaagad ang inyong credit card para makapag-save ka ng pera saka na muna ang mga lakwatsa o bakasyong grande. Bigyang-pansin muna ang araw-araw na mga gastusin.


1. Ilista na kaagad nang advance sa susunod na dalawang linggo ang gagastusin. Hindi mo kasi malalaman kung makatitipid ka hangga’t hindi mo alam kung saan napupunta nang tama ang iyong pera. Isulat na kaagad sa tuwing gagastos ka at planuhin na agad hanggang bago matapos ang buwan. Makikita mong may mga mababawas na araw-araw na gastusin na lahat tayo ay makikinabang din naman.


2. Mamili sa mas murang mga pamilihan lalo na sa Divisoria o Baclaran. Higit na makakamura at makaka-discount ng bibilihin kung dito ka mamimili. Iwasan mo na ring mamili sa malls na halos doble ang halaga ng bilihin.


3. Patayin ang ilaw at iba pang mga elektronikong kagamitan sa loob ng tahanan kung hindi naman ito ginagamit. Buksan na lang ang mga bintana at hayaan ang natural na liwanag ng araw ang pumasok sa loob ng bahay. Kapag hinayaan mong nakasaksak ang mga appliances kahit na ‘di ginagamit, kumukunsumo rin ito ng malakas na kuryente. Alisin na rin sa saksakan ang chargers kapag hindi ito ginagamit. Humihigop pa rin ng kuryente ang cellphone charger habang naka-plug ito sa kuryente kahit hindi ginagamit.

4. Bawasan na ang cable o online channel. Maaaring hindi mo na kailangan ang 500 channels. Bawasan ang cable package o kaya ay pabawasan ang channel na binabayaran para makatipid sa pera. Kung sa tingin mo ay hindi ka mabubuhay nang walang cable o online channel, tawagan ang cable company kung may promosyon silang iba o discounts na available.


5. Kumain sa bahay tuwing uuwi sa gabi. Magbaon ng pagkain sa pagpasok sa trabaho. Kung kakain sa labas, siguraduhing may manlilibre sa iyo o may discounts ka. O kaya naman ay kumain sa restaurants na mura lang ang pagkain. 6. Mas unahin ang pagbili ng pang-araw-araw na pagkain kaysa sa nagtakaw mata ka lang sa mga bagay na kapag nabili mo na ay saka ka nagsisi kung bakit mo nabili.


7.Huwag mo nang titingnan kung anuman ang bagong bagay na nabili ng iyong kapitbahay para hindi ka naiinggit at parang gusto mo rin na oorder nang ganun, pero hindi mo naman kailangan dahil nainggit ka lang. 8. Iwasan ang ugaling labis na pangungutang kung hindi naman talagang for emergency purpose o kailangang-kailangan. Huwag hihiram ng pera sa iba kung gagamitin lang sa pambili ng iyong luho o bisyo.


9. Uso ang halaman ngayon, huwag ka nang bibili pa. Sa rami nang mahihingian na kapitbahay o kamag-anak ay lambingin mo na lang sila para makahingi ka ng type mong plants. 10. Gumawa na lang ng sariling resipe o inuming mas masustansiya pa at abot kaya kaysa mga nabibili sa labas na karamihan ay artipisyal ang flavor.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page