Bagongni Eli San Miguel - Trainee @News | November 7, 2023
Sumiklab ang isang sunog na sumira ng anim na bahay sa Barangay Alabang, Muntinlupa ngayong ika-7 ng Nobyembre, na nakaapekto sa sampung pamilya.
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station na pinamumunuan ni Fire Supt. Jeffrey Atienza, nagsimula ang sunog 7:28 ng umaga sa 7A Ilaya sa Alabang.
Nagtaas ang mga bumbero ng first alarm 7:34 ng umaga, na sinundan ng second alarm sa ganap na 7:45 ng umaga.
Walang nasaktan sa sunog na naapula 8:25 ng umaga.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Marilyn Esmundo.
Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon ukol sa sanhi ng sunog.
Comments