ni Twincle Esquierdo | September 8, 2020
Mayroong sampung COVID-19 hotspots sa Visayas at Mindanao ang natuklasan ng University of the Philippines (UP) OCTA.
Sa Visayas, ang Negros Occidental, Iloilo, Leyte, Oriental Mindoro, Capiz ang limang may pinakamalaking kaso ng Covid-19.
Samantala, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Agusan Del Norte, Misamis Oriental at South Cotabato naman ang sa Mindanao.
Gayunman, bumabagal naman ang pagkalat ng sakit sa NCR at Calabarzon, ngunit hindi nangangahulugan na hindi na ito mababago, ayon kay Professor Guido David.
"Of course, we would like to remind people not to be overly excited dito sa flattening of the curve. Yes, we’re seeing it, pero the trends are not irreversible. We can always reverse the trend at any time. Ibig sabihin, we can have another surge,” sabi Professor David.
Comments