ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023
Nagdaos ng protesta sa Mendiola, Manila ang mga grupo sa ilalim ng kilusang "People Rising for Climate Justice (PRCJ-PH)" sa kanilang paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pagdaluyong ng Bagyong Yolanda nitong Nobyembre 8.
Balot sa putik ang mga protestante sa kanilang pagbabalik-tanaw sa kahabag-habag na sinapit ng mga mamamayan dahil sa super typhoon Yolanda na kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao.
Matatandaang isa sa pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ang bagyong Yolanda na may hanging umaabot ng 195-milya kada oras at mala-tsunaming alon na nakapinsala ng maraming buhay.
Comments