ni Thea Janica Teh | December 8, 2020
Isa ang patay at 400 katao ang isinugod sa ospital sa southern India matapos mahilo, mahimatay at mag-seizure dahil sa hindi pa malamang sakit, ayon sa opisyal ng senior health department nitong Lunes.
Ayon sa mga awtoridad ng southern state ng Andhra Pradesh, 200 katao na ang na-discharge sa ospital nitong weekend dahil sa COVID-19. Ngunit, sa outbreak na ito, hindi pa matukoy kung anong sakit ang dumapo sa mga ito.
Kaya naman, magpapadala na ang federal health ministry ng India ng tatlong teams ng medical experts upang maimbestigahan ang outbreak na nakaapekto rin sa halos 300 bata. Aniya, "The children reportedly suffered from dizziness, fainting spells, headache and vomiting."
Nabahala rin ang state health department matapos pumanaw ang 45-anyos na lalaking taga-Geeta Prasadini na unang nakaranas ng mga nabanggit na sintomas. "We have taken the patients' blood samples for serological investigation and bacterial investigation to rule out any type of meningitis," dagdag ng health department.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na rin ang water supply sa halos 20 lugar sa loob ng lungsod ng Eluru kung saan unang nakapagtala ng kaso. Samantala, kinikilala rin ang Andhra Paradesh na isa sa pinakanaapektuhang bansa ng COVID-19. Sa katunayan, sumunod ito sa US sa 9.68 milyon kumpirmadong kaso ng virus.
Comentarios