ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 12, 2021
Nagtamo ng 3rd degree burn ang isang 35-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa MJ Fort Construction sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerkules nang gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa BFP, kaagad na isinugod sa St. Luke's Medical Center ang biktima.
Bandang alas-7:30 PM tinatayang nagsimula ang sunog at idineklara namang fire out na bandang 9:35 PM.
Saad ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, "Initially po, ang inire-report po sa atin ay mukhang noong nagdi-drill po, may tinamaan na gas pipe, so hindi po siya gas leak, gas explosion. May nag-trigger po.
"Habang nagdi-drill, may tinamaan, may naamoy and then later on, noong lumapit ang isang safety officer, doon po nangyari ang explosion.”
Wala naman umanong iba pang establisimyentong nadamay sa sunog.
Comments