top of page
Search
BULGAR

1 na-trap, iba pang construction workers sugatan sa gumuhong gusali


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 2, 2021



Isa ang na-trap at sugatan ang iba pang construction workers matapos gumuho ang isang gusali sa Washington D.C. noong Huwebes.


Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations upang mahanap ang na-trap na construction worker, ayon sa Washing Fire at nailigtas naman umano ang mga kasamahan nitong nabagsakan ng mga gumuhong debris.


Sugatan din umano ang na-trap na manggagawa at pinananatili ng mga rescuers ang contact sa kanya upang matunton ang kanyang lokasyon.


Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng pagguho ng naturang gusali.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page