top of page
Search
BULGAR

1-M COVID-19 vaccines, donasyon ng US sa ‘Pinas


ni Lolet Abania | June 22, 2021



Magpapadala ang United States sa Pilipinas sa susunod na buwan ng 800,000 hanggang 1 milyong COVID-19 vaccine doses. Ayon kay Philippine Ambassador to the US Manuel “Babe” Romualdez ngayong Martes, inianunsiyo kamakailan ng US ang plano nitong magpamahagi sa buong mundo ng 80 million surplus jabs.


“Doon sa 80 million na ‘yun, we are going to get something close to 800 [thousand] to 1 million doses, either Moderna or AstraZeneca from their stockpile, which is expected to be given to us by next month,” ani Romualdez sa Malacañang press briefing.


Sinabi ni Romualdez, mabebenepisyuhan din ang Pilipinas mula sa pangako ng US para sa bibilhin at donasyong bakuna sa mga low-income countries ng tinatayang 500 milyong COVID-19 jabs. “We’re getting quite a substantial amount of doses of vaccines coming from the United States,” ayon pa rito.


Dagdag din ng ambassador, ang Manila ay nakapag-reserve ng 50 milyong booster shots mula sa US firm na Moderna para sa susunod na taon.


“We’re in good shape as far as our vaccines are concerned,” sabi pa ni Romualdez.


0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page