ni Lolet Abania | April 7, 2022
Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang isang buwang bonus para sa kanilang mga empleyado bago pa ang May 9, 2022 elections.
“We have an approved Employee Development Assistance consisting of a 1 month bonus for all regular employees of this Commission. Our workforce can expect to receive this 1 month bonus this April 2022,” saad ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan.
Aprub na rin sa Comelec ang higit pang expenses o gastusin para sa kanilang mga empleyado.
“The Augmentation of transportation and communication expenses for the Election Officers for a period of 6 months to cover also the Barangay Elections in December 2022. The Commission En banc approved this to cushion the impact of the round of fuel increases upon our election officers,” ani Pangarungan.
Ang suspensyon naman ng biometrics o automated attendance system ay inaprubahan din ng poll body upang maaari nang magpatuloy ang mga empleyado na magtrabaho sa field na hindi na kailangan pang bumalik sa opisina para mag-punch ng kanilang attendance.
Ayon pa kay Pangarungan, approved in principle na rin ng Comelec ang ninanais nilang gun ban exemptions para sa mga election officers, provincial election supervisors at regional election directors.
“Election officers may also be entitled to not more than 2 security detail subject to the approval of their respective REDs. This exemption to the gun ban was enjoyed before by our election officers in previous elections,” paliwanag ni Pangarungan.
“To be effective our election officers need to feel secured in performing their duties, free from fear and pressure from opposing candidates in the respective jurisdiction,” sabi pa ng opisyal.
Ipinaalala naman ni Pangarungan sa mga empleyado ng Comelec na dapat nilang tiyakin ang pagkakaroon ng matapat, maayos, mapagkakatiwalaan at mapayapang eleksyon sa Mayo 9, 2022.
Comments