ni Lolet Abania | January 21, 2022
Aabot sa 1,899 mga opisyal ng pulisya ang nakatakdang magsilbi bilang “media security vanguards” na tututok sa tinatawag na threats at security problems ng mga mamamahayag sa 2022 election period, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP spokesperson at public information office (PIO) chief Police Brigadier General Roderick Alba na siya ang tatayong focal person sa national level.
“We are total strong of 1,899,” ani Alba sa ginanap na launching ng “Media Security Vanguards” program ng Presidential Task Force of Media Security (PTFoMS) ngayong Biyernes.
Ayon kay Alba, ang mga regional PIO chiefs ang magsisilbing focal persons sa regional level.
Sa kasalukuyan aniya, ang PNP ay mayroong 133 public information offices sa police regional, regional, at city offices sa buong bansa.
Binanggit din ni Alba na may kabuuang 1,766 hepe ng pulisya sa bansa, na siyang magiging operating arms naman ng “Media Security Vanguards” sa darating na eleksyon.
Paliwanag ni Alba, ang mga focal persons ang magpa-facilitate, magmo-monitor, at magtatrabaho kasama ang PTFoMS, habang ang mga hepe ng pulisya ang magpapatupad ng direktiba ng mga focal persons na manggagaling kay PNP chief Police General Dionardo Carlos.
“Our job is to facilitate appropriate police actions on issues including media security in the 2022 elections,” sabi ni Alba.
Ani Alba, sakaling ang mga media workers ay may mga concerns gaya ng mga pagbabanta laban sa kanila, maaari silang makipag-ugnayan sa mga focal persons mula sa PNP para agad na maresolbahan ang tungkol dito.
Sa tanong kung ang nasabing programa ay makapagbibigay ng security details sa media workers na nasa ilalim ng pagbabanta, ayon kay PTFoMS executive director Joel Sy Egco, maaaring mag-request ang task force para rito.
“Kapag may ganyang report, ibato niyo agad sa amin. Kami na po magre-request if we need to provide protection, security details until mag-dissipate ‘yung threat.
We do that,” sabi ni Egco na naroon din sa launching ng “Media Security Vanguards.”
Commentaires