ni Madel Moratillo | May 8, 2023
May 9 katao ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa COVID-19.
Ito ang iniulat ng DOH isang araw matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang global health emergency dahil sa COVID.
Nakapagtala rin ng 1,878 bagong kaso ng sakit.
Dahil dito, pumalo na sa 10,195 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa.
May naitala namang 735 na nakarekober mula sa sakit.
Sa kabuuan, umabot na sa 4,100,868 ang tinamaan ng sakit sa bansa habang 66,453 naman ang bilang ng nasawi.
Comments