ni Lolet Abania | July 10, 2022
Pumalo na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa higit 13,000 na naitala nitong Sabado, batay sa datos na ipinakita ng Department of Health (DOH).
Sa latest report, ayon sa DOH, umakyat na sa 13,021 ang active cases, habang may nai-record na 1,825 bagong infections.
Ito ay tumaas, mula sa 12,528 active cases at 1,712 COVID-19 infections na naiulat nitong Biyernes.
Dahil sa naitalang bagong kaso, umabot na sa 3,716,522 ang natiowide tally ng naturang sakit.
Ayon sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng 7,228 bagong kaso sa huling dalawang linggo, kasunod ang Calabarzon na may 3,127 cases, Western Visayas na 1,349, Central Luzon na 1,228, at Central Visayas na may 645 kaso.
Marami namang mga pasyente ang gumaling na sa sakit kaya ang bilang ng mga nakarekober ay tumaas din na nasa 3,642,862, habang nananatili sa 60,639 ang naiulat na namatay sa virus.
Sinabi pa ng DOH, nasa 20.5% ang bed occupancy rate, na may 5,948 beds ang okupado at 23,098 beds ang bakante hanggang nitong Hulyo 7.
May kabuuang 19,944 indibidwal ang na-test sa COVID-19 nitong Hulyo 8, habang mayroong 323 testing laboratories ang nag-submit ng data.
Yorumlar