top of page
Search
BULGAR

1.62-M PINOY NA LANG DAW ANG JOBLESS, PERO 8.8-M NAMAN ANG NAGUGUTOM!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 8, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

BABAYARAN NG SAMBAYANANG PINOY ANG P10.29-B CONFI FUND NI PBBM NA ‘DI ALAM KUNG SAAN ITO GAGASTAHIN -- Ang halos kalahati sa P6.352 trillion national budget next year (2025) ng Marcos administration ay uutangin ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institution sa mundo. At sa uutanging ito ay kabilang dito ang nakakalulang P10.29 billion confidential fund na hirit ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) para sa year 2025.


Alam naman ng lahat na ang confi fund ay ginagasta nang walang kaakibat na resibo, at iyan ang masakit na katotohanan na babayaran ng sambayanang Pinoy ang P10.29-B confi fund ni PBBM na kabilang sa dagdag-utang ng Pilipinas na hindi naman alam ng mamamayan kung saan ito napunta at ginasta ng Presidente, tsk!


XXX


1.62-M PINOY NA LANG DAW ANG JOBLESS, PERO 8.8-M PINOY ANG NAGUGUTOM -- Kung totoo ang ibinida ng mga alagad ni PBBM sa Philippine Statistics Authority (PSA) na sa ilalim daw ng Marcos admin ay 3.1% o katumbas ng 1.62 milyong Pinoy ang walang trabaho sa ‘Pinas, dapat ay 1.62-M Pinoy lang ang nagsabing sila ay nakakaranas ng gutom sa bansa.


Ang problema, hindi 1.62-M Pinoy lang ang nagpahayag na sila ay nakakaranas ng gutom, kundi 17.6% o katumbas ng 8.8 milyong Pinoy, ayon iyan sa latest survey ng SWS. Ibig sabihin kaya sila nakakaranas ng gutom ay dahil wala silang pinagkakakitaan ng pera para pambili ng tsibog, kaya ang nais nating ipunto rito, iyang pabidang konti na lang ang jobless, fake news ‘yan, period! 


XXX


SAKIT ULO SI EX-GEN. CARLOS GARCIA, KASI P303-M LANG ANG IN-SCAM NIYA, TAPOS ANG UTOS NG KORTE, P407-M ANG IBALIK SA KABAN NG BAYAN -- Siguradong sumasakit ang ulo ngayon ni convicted former Gen. Carlos Garcia, dating military comptroller chief na nakulong dahil sa pang-i-scam sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1993 hanggang 2004.


Mantakin n’yo, P303 million lang ang kabuuang dinekwat niya sa AFP fund, tapos ang utos sa kanya ng korte, P407.8-M ang dapat ibalik niya sa kaban ng bayan, he-he-he!

Ang kasong ito ni ex-Gen. Garcia ay maging leksyon sana sa mga kurakot na politicians at iba pang opisyal ng pamahalaan, period!





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page