top of page
Search
BULGAR

1,600 empleyado ng Kongreso, nabakunahan na kontra COVID-19

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 23, 2021




Nabakunahan na laban sa COVID-19 ang mahigit 1,600 empleyado ng House of Representatives (HoR), batay kay Head of House CongVax at Bataan Representative Jose Enrique Garcia III ngayong araw, May 23.


Aniya, "Ang target po natin na mabakunahang employees, including families, ay nasa 25,000. Nag-start na ng May 11. So far nakapag-vaccinate na tayo ng 1,600.”


Kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga nasa A2 at A3 priority list. Iginiit din niyang bumili ang HoR ng Novavax COVID-19 vaccines sa India, kung saan nagkakahalagang P50 million ang inilaang pondo. Inaasahan namang darating sa Hulyo ang mga biniling bakuna.


Dagdag niya, “I talked with our team, and we agreed that before SONA, the third regular session, all employees and dependents must be vaccinated.


Sabi pa niya, “I think, as far as the House is concerned, we are dependent on the arrival as long as these vaccines arrive, I am ready.”


Sa ngayon ay simula na rin ang vaccination rollout sa mga A4 at A5 priority list o ‘yung mga economic frontliners at mahihirap.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page