top of page
Search
BULGAR

1.5 M, nawalan ng trabaho sa 2-week ECQ — DTI

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021



Umabot sa 1.5 million ang nawalan ng hanapbuhay sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) noong nakalipas na dalawang linggo sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).


Dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19, noong March 29 hanggang April 11, ibinaba ang ECQ.


Pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez, "Base sa talaan ng mga labor force, iyong mga sectors na sarado noong ECQ, may mga 1.5 million estimate kami na na-displace, nawalan ng hanapbuhay.”


Nang luwagan ng pamahalaan ang quarantine classification sa modified ECQ, ayon kay Lopez, 500,000 ang nakabalik sa trabaho.


Aniya pa, “Therefore, meron pa tayong mga 1 million na inaasahan nating makakabalik [ng trabaho], hopefully ‘pag nag-GCQ tayo.”


Samantala, nananatili pa ring ipinagbabawal ang dine-in services, operasyon ng mga amusement parks, internet cafes, at personal care salons.


Epektibo ang MECQ sa NCR Plus hanggang sa April 30.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page