ni Lolet Abania | September 10, 2021
Dumating na ang 1.5 milyong karagdagang doses ng Sinovac vaccine sa bansa ngayong Biyernes nang hapon.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, alas-5:55 ng hapon, lumapag ang mga 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine sakay ng Flight PR359 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, kung saan ang mga naturang bakuna ay binili ng gobyerno.
“We’re expecting two more deliveries, 3 million next week… So another 6 million tapos may 4 million may darating din from COVAX,” ani NTF special adviser Dr. Ted Herbosa.
“So next week we are expecting 10 million more to continue our vaccination sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. ‘Yung COVAX Astra ‘yun,” dagdag ng opisyal.
Sinabi pa ni Herbosa na ang mga bakuna ay nakatakdang i-distribute sa Lunes, Setyembre 13. “So ito, mag-stay pa rin ito because we will wait for the certificate of analysis (COA) na ‘yung consent by a third party. So that comes in two to three days,” sabi ni Herbosa.
“Once the COA arrives, we immediately distribute to the different recipient areas,” saad pa niya. Nauna nang dumating sa bansa ngayon ding Biyernes, ang karagdagang 502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Comments