top of page
Search
BULGAR

1.3M nag-file ng COC para sa BSKE

ni BRT @News | September 4, 2023



Mahigit 1.3 milyon ang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa mga posisyon sa ilalim ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa huling bahagi ng taong ito.


Batay sa ulat, alas-11:30 ng umaga, Linggo, Setyembre 3, umabot sa 1,316,265 na mga aspirante ang naghain ng kanilang COC — 92,173 para sa posisyon sa punong barangay, 690,531 para sa sangguniang barangay member, 85,816 para sa SK chairperson, at 447,745 sa SK members.


Sa kabuoan, 65.43% ng mga aplikante ay lalaki, habang ang natitirang 34.57% ay babae.


Ang mga kandidato ay maglalaban para sa kabuuang 672,016 na puwesto — 42,001 punong barangay, 294,007 sangguniang barangay, 42,001 SK chairpersons, at 294,007 SK members.


Samantala, mayroong 2,085,142 na nagparehistro na mga botante para sa BSKE noong Enero 28, 2023, kabilang ang 2.076 milyon na dumaan sa regular na proseso, habang 8,651 ang naproseso sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page