ni Lolet Abania | February 12, 2022
Umabot sa 1.3 milyong indibidwal ang nabakunahan kontra-COVID-19 sa third wave ng mass vaccination drive ng bansa o “Bayanihan, Bakunahan” III, kung saan kulang pa sa target ng pamahalaan, ayon sa Department of Health (DOH).
“For the past two days, we were able to vaccinate 1.3 million individuals,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.
“Ito ay mababa sa target na limang milyon,” dagdag niya.
Ang “Bayanihan, Bakunahan” III mass vaccination drive ay orihinal na nakaiskedyul mula Pebrero 10 hanggang 11, subalit pinalawig ito hanggang Pebrero 18.
“In-extend natin hanggang February 18 para mas maraming mabakunahan,” sabi ni Vergeire.
Sa kasalukuyan, nasa 60.6 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng isang dose, 59.9 milyon naman ang fully vaccinated, at 8 milyon ang nabigyan ng booster shots.
Kommentare