top of page

1,273 na kaso ng Delta variants sa 'Pinas

  • BULGAR
  • Aug 23, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 23, 2021



Pumalo na sa 1,273 ang tinamaan ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng 466 bagong kaso nito sa bansa.


Ayon sa DOH, sa nabanggit na bilang, 442 kaso rito ay local, 14 ay returning overseas Filipinos (ROFs), at ang 10 ay bineberipika pa sa ngayon.


Ang mga local cases ay na-detect sa mga lugar sa Metro Manila - 201 cases, Central Luzon - 69 cases, Cagayan Valley -7 cases, Calabarzon - 49 cases, Mimaropa - 14 cases, Bicol Region - 4 cases, Western Visayas - 52 cases, Central Visayas - 19 cases, Northern Mindanao - 6 cases, Davao Region - 11 cases, SOCCSKSARGEN - 7 cases, Ilocos Region - 3 cases.


Sinabi pa ng DOH na sa 466 bagong kaso, isa lamang ang nananatiling active, walo naman ang nasawi at 457 ang nakarekober na.


“All other details are being validated by the regional and local health offices,” ayon sa statement ng ahensiya.


Una nang inianunsiyo ng DOH ngayong Lunes na mayroon nang community transmission ng Delta variant sa Metro Manila at Calabarzon, kung saan may tinatawag na ‘clustering of cases’ at walang mga link sa mga nahawahang indibidwal.


“Analysis of the latest sequencing results for the determination of community transmission is ongoing for other regions,” sabi ng DOH.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page