top of page
Search
BULGAR

1,272 bagong kaso ng COVID

ni Madel Moratillo | June 5, 2023




Nakapagtala ng 1,272 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health kahapon.


Sa datos ng DOH, sa kabuuan ay umabot na sa 4,148,401 ang kaso ng virus infection sa bansa.


Sa ngayon, umabot na sa 13,808 ang aktibong kaso ng COVID.


Nakapagtala naman ng 1,862 bagong nakarekober, kaya umabot na ngayon sa 4,068,117 ang kabuuang gumaling sa bansa.


Wala namang bagong naitalang nasawi, kaya nananatili sa 66,476 ang nasawi dahil sa virus.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page