ni Jasmin Joy Evangelista | March 27, 2022
Dumating sa bansa ang 1.2 million doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5 to 11 nitong Sabado ng gabi.
Ang bagong dating na batch na ito na binili ng bansa sa pamamagitan ng World Bank ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 8 p.m., ayon sa National Task Force Against COVID-19.
Bago pa man ang shipment na ito, nakatanggap na ang Pilipinas ng 1,147,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine noong Biyernes.
As of March 24, nasa 72.81% na ng target population ang nabakunahan na, ayon sa Department of Health.
Samantala, nasa kabuuang 736, 143 kabataan na ang fully vaccinated habang nasa 1.8 million naman ang nakatanggap na ng first dose.
Comments