ni Madel Moratillo @News | September 27, 2023
Tumaas ng 13 porsyento ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.
Sa datos ng Department of Health, may 1,164 bagong COVID cases ang naitala mula September 18 hanggang 24.
Ang average na arawang kaso ng virus ay nasa 166.
Sa mga bagong kaso na ito, ayon sa DOH, 10 ang severe o nasa kritikal na kondisyon.
May 11 ring nasawi nitong nakalipas na linggo. Sa nasabing bilang, 6 ang nasawi sa pagitan ng September 11 hanggang 24. Sa ngayon, nasa 2,905 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa.
Sa kabuuan, umabot na sa 4.113 milyon ang naitalang kaso ng virus infection sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya noong 2020. May 66,696 naman sa mga ito ang nasawi
Comments