ni Jasmin Joy Evangelista | January 31, 2022
Nasa 1,036 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa monitoring bulletin ng PNP, 404 dito ay mino-monitor ng Police Regional Office (PRO) sa Cordillera, 252 sa region 1, 173 sa Calabarzon, at 152 sa Region 2.
Samantala, sa National Capital Region (NCR) na ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 2, mayroong 14 lugar na naka-granular lockdown.
Noong Huwebes, 853 lamang ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa buong bansa.
Nasa 33 cities at municipalities at 399 barangays ang mayroong ipinapatupad na granular lockdowns.
Karamihan sa mga barangay ay mula sa Region 1, at sinunand ng Cordillera na may 103.
Mayroon namang 1,320 households at 2,512 indibidwal na apektado ng naturang quarantine restriction.
Ang Cordillera ang may pinakamaraming bilang ng households at indibidwal na nasa ilalim ng granular lockdown na may 551 at 1,022.
Ang mga Local government units (LGUs) ang nagdedesisyon kung ipapatupad o ili-lift ang granular lockdown sa isang bahay, compound, street, o building base sa bilang ng reported COVID-19 patients.
Komentarai