top of page
Search

ni Lolet Abania | October 14, 2021



Nakararanas sa ngayon ang Zamboanga City ng matinding kakulangan sa suplay ng medical oxygen para sa kanilang mga pasyenteng may severe o critical infection ng COVID-19.


Sa isang television interview ngayong Huwebes, nai-report ni Atty. Kenneth Beldua, spokesman ng Zamboanga City Task Force, na ilan sa mga pasyente ang hindi na kayang i-admit sa mga ospital dahil sa kaunting oxygen supply ng mga ito.


“The challenge really is the lack of oxygen supply as our private hospitals here had no choice but to deny the admission of some patients needing oxygen,” ani Beldua sa interview.


Ayon kay Beldua, ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ay nakikipag-ugnayan na sa national government para agad na mabigyan ng mas maraming oxygen tanks ang ospital sa lungsod.


Aniya pa, si Zamboanga City Mayor Beng Climaco ay nakikipag-ugnayan na rin kay vaccine czar Carlito Galvez para matugunan ang problemang kinakaharap nila sa COVID-19 pandemic.


Sa ngayon, ayon kay Beldua nakapagtala ang probinsiya ng 17,999 kabuuang kaso ng COVID-19, kabilang dito ang 2,605 active cases, at 784 mga nasawi dahil sa virus.


Sa bilang ng mga active infections, sinabi ni Beldua na majority sa mga ito ay asymptomatic habang tinatayang 5% ang severe o critical patients na nananatili sa mga ospital at intensive care units (ICU).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 14, 2021



Natupok ang higit-kumulang 200 bahay sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng madaling araw.


Ayon sa Bureau of Fire Protection Zamboanga, umabot sa 2nd alarm ang naturang sunog sa Purok 3B, Dacon sa Bgy. Recodo matapos magsimula ito ala-1 ng madaling araw.


Nagdeklara ng "fire out" ang mga bombero pasado alas-4 na ng madaling araw.


Tinatayang 400 pamilya ang nawalan ng tirahan at aabot sa P4 milyon ang halaga ng pinsala habang isa ang nasugatan sa pagsiklab.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021





Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong guidelines na ipatutupad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ sa NCR Plus Bubble at iba pang lugar simula May 15 hanggang 31, ayon sa inianunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kagabi.


Kabilang sa pinahihintulutan ay ang mga sumusunod:


• 20% capacity sa mga indoor dine-in services at 50% capacity sa outdoor o al fresco dining

• 30% capacity sa mga outdoor tourist attraction

• 30% capacity sa mga personal care services, katulad ng salon, parlor at beauty clinic

• 10% capacity sa mga libing at religious gathering

• Pinapayagan na rin ang outdoor sports, maliban sa may physical contact na kompetisyon


Mananatili pa rin namang bawal ang mga sumusunod:


• entertainment venues katulad ng bars, concert halls, theaters

• recreational venues, katulad ng internet cafes, billiard halls, arcades

• amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides

• indoor sports courts

• indoor tourist attractions

• venues ng meeting, conference, exhibitions


Higit sa lahat, bawal magtanggal ng face mask at face shield kapag nasa pampublikong lugar. Bawal ding lumabas ang mga menor-de-edad at 65-anyos pataas, lalo na kung hindi authorized person outside residency (APOR).


Patuloy pa ring inoobserbahan ang social distancing sa kahit saang lugar at ang limited capacity sa mga pampublikong transportasyon.


Maliban sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna ay isasailalim din sa GCQ ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur hanggang sa katapusan ng Mayo.


Mananatili naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Santiago City, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page