top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 7, 2022



Nakapagtala ng 166 na panibagong kaso ng dengue nitong Abril 24-30 ang lungsod ng Zamboanga sa walong magkakasunod na linggo na sinasabing lumagpas sa epidemic threshold level ng naturang sakit.


Batay sa datos ng City Health Office (CHO), mas mataas nang 3,220% ang naitalang kaso nitong morbidity sa ika-17 linggo ng taon, sakop mula Abril 24-30, kumpara sa bilang nito sa nakaraang taon na nasa limang kaso lamang ang dengue.


Ayon sa pinakahuling tala ng CHO, nitong katapusan ng Abril ay umakyat na sa 1,659 ang kabuuang bilang ng dengue cases sa lungsod kung saan 14 umano sa mga tinamaan ng sakit ang naiulat na nasawi.


Samantala, patuloy pang binabantayan ng lokal na pamahalaan ang mga clustering ng mga kaso sa komunidad at pinalalakas pa ang fogging activities sa mga lugar at barangay na mayroong mataas na kaso ng dengue upang maiwasan ang patuloy pang pagtaas ng bilang ng mga dinarapuan nito.


 
 

ni Zel Fernandez | May 1, 2022



Nasabat ng mga awtoridad ang mga smuggled na sigarilyo sa Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) Highway, Culianan, Zamboanga City, bandang ala-1:00 ng madaling-araw.


Batay sa ulat, tinatayang aabot sa P14-M ang halaga ng humigit-kumulang 400 master cases ng mga smuggled na sigarilyo, lulan ng isang ten-wheeler truck, na nakumpiska ng pulisya sa lungsod katuwang ang iba’t ibang security forces.


Kaugnay nito, arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Jose Dichoso Goodwill, 45-anyos, drayber ng truck at ang pahinante nitong si Ryan Jalis Comidoy.


Kasunod nito ay nai-turnover na sa Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang kontrabando, maging ang sasakyan na ginamit sa pagbiyahe ng mga smuggled na sigarilyo.


Samantala, hawak na ng pulisya ang drayber at pahinante nito na kapwa mahaharap sa mga kaukulang kaso.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Nanalasa ang isang buhawi sa Pasilmanta Island sa Zamboanga City, Martes ng hapon. Nagdulot ito ng pagkasira ng ilang bahay sa isla.


Ayon sa ulat ng local government, limang bahay, dalawang bangka at isang madrasa ang nasira dahil sa lakas ng hangin.


Ang nasirang madrasa ay ginagamit bilang paaralan sa isla. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.


Ayon sa guro sa Manicahan NHS Pasilmanta Annex, kakatapos lang ng distribution of modules nang mangyari ang buhawi.


Pansamantalang nakatira sa kanilang mga kamag-anak ang mga residente na nawalan ng bahay.


Kasalukuyang nakararanas ng sama ng panahon ang buong lungsod dahil sa tail end of cold front.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page