top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023




Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Maasin, Zamboanga City ang umaabot sa P13.752-milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo.


Gumawa ang BOC, Philippine National Police (PNP) Seaborne Company, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng magkakasamang listahan para suriin ang mga kalakal at natuklasang merong 240 master case ng sigarilyo ang naipuslit.


Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio, hindi nila palalampasin ng kahit anong gawain na posibleng makasama sa kalagayan ng mga mamamayan at kanilang aaksiyunan ang mga puslit na kalakal sa tulong ng kanilang mga kaagapay na ahensiya.


Dadaan ang mga puslit na produkto sa ilalim ng mga batas na paglabag sa Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations at Customs Modernization and Tariff Act.


 
 

ni Lolet Abania | May 30, 2022



Isinailalim ng mga awtoridad sa “red zone” ang limang barangay sa Zamboanga City dahil sa mga kumpirmadong kaso ng African swine fever (ASF) na tumama sa mga alagang baboy.


Ang limang barangay ay Mangusu, Curuan, Manicahan, Bunguiao at Pasonanca. Ayon kay Zamboanga City Veterinarian Dr. Mario Arriola nagsagawa na ng culling ng mga baboy sa loob ng 500-meter radius sa limang barangay.


Para madagdagan ang suplay ng mga karneng baboy sa siyudad, nagkaroon ng pagtuturo ang Zamboanga City Hog Raisers Association sa mga residente para sa tamang paraan ng hog raising habang nagsasagawa ng sanitation sa mga lugar.


Ang naturang association ay may programa, sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA), na nagbibigay ng 10 inahing baboy sa mga residente, alinsunod ito sa guidelines na itinakda ng asosasyon at ng Office of the City Veterinarian.


 
 

ni Lolet Abania | May 27, 2022



Idineklara ng mga awtoridad ngayong Biyernes ang dengue outbreak sa Zamboanga City. Ito ay matapos na makumpirma ang mga dengue cases sa lungsod na umabot sa 2,026 na naitala mula Enero hanggang Mayo 14, 2022.


Sa mga kumpirmadong kaso, 19 dito ang nasawi. Pinaigting na rin ng Sanitary Division ng City Health Office ng siyudad ang fogging operations sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng mga kaso ng dengue.


Ayon sa Department of Health (DOH) Region IX, ang mga kaso ng dengue ay mataas din sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Isabela City sa Basilan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page