top of page
Search

ni Lolet Abania | July 7, 2021


Isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang natagpuang patay sa loob ng isang banyo ng barracks nito sa San Narciso, Zambales.


Kinilala ang biktima na si Jonash Bondoc na nakitang patay bandang alas-6:30 ng umaga ng Miyerkules.



Ayon sa mga awtoridad, naisugod pa umano ang kadete sa ospital subalit idineklara ring patay ng mga doktor. Wala pang inilalabas na ibang detalye ang pulisya sa naging sanhi ng kanyang pagkamatay.


Gayunman, ayon sa PMMA, nagbitiw umano sa tungkulin ang commandant of cadets, battalion officer at company officer matapos ang insidente. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyari sa kadete.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 23, 2021




Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Zambales pasado 12:41 nang hapon, batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, May 23.


Ayon sa ulat, namataan ang tectonic origin at episentro ng lindol sa 14.73°N, 119.25°E - 094 km S 75° W ng San Antonio, Zambales.


Nagdulot ang lindol ng halos 2 metrong lalim sa kalupaan, kung saan magpahanggang sa Quezon City ay naramdaman din ang ugong.


Kaugnay nito, niyanig din ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.

Sa ngayon ay walang iniulat na pinsala.


Gayunman, nakaantabay naman ang mga awtoridad sa posibleng aftershocks.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 16, 2021




Nagsagawa ng operasyon ang anti-narcotic operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III, Zambales Provincial Office at mga pulis kung saan P140,000 halaga ng shabu ang nasabat sa 6 na drug den sa Purok 5 Matain Subic, Zambales nitong Lunes nang gabi, Marso 15.


Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek bilang sina alyas Jo, Bien, Dom, Gani, Lin at Cess.


Umabot sa limang sachets ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanila.


Sa ngayon ay kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kailangan nilang harapin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page