top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 15, 2021



Isa ang patay at mahigit 60 ang sugatan sa dalawang tornadoes na tumama sa Wuhan at Shengze town sa China noong Biyernes nang gabi.


Tinatayang anim ang nawawala sa Wuhan at 41 ang isinugod sa ospital sa Caidian District bandang alas-8:39 nang gabi, ayon sa ulat.


Wala naman umanong malubha ang kalagayan sa mga isinugod sa ospital.


Isa naman ang namatay sa tornado na tumama sa Shengze town sa Suzhou City, east ng Jiangsu province at 21 katao ang sugatan kung saan 2 ang nasa malalang kondisyon.


 
 

ni Lolet Abania | January 22, 2021




Binuksan na ulit ang isang night club sa Wuhan, China at hataw na sa dance floor ang mga residente matapos na isang taong naka-quarantine dahil sa COVID-19, kung saan nadiskubre sa nasabing lugar ang pinagmulan ng nakamamatay na sakit.


Sa lumabas na video ng Agence-France Presse, maraming tao ang nagsasayawan at nagsisigawan habang paikut-ikot ang mga spotlights sa loob ng night club. Ilan sa mga partygoers ay naninigarilyo pa umano habang ang iba ay walang suot na face mask.


Subalit, bago makapasok sa loob, kailangang may suot na face mask at dapat magpa-check ng body temperature. Hindi papayagang makapasok at maki-party ang mga may temperature na mataas sa 37.3 degree Celsius.


Marami ring nagpahayag ng kanilang saloobin dahil sa makakapag-aliw-aliw na sila matapos ang naranasang quarantine dahil sa COVID-19. "I was stuck inside for two or three months... The country fought the virus very well, and now I can go out in complete tranquility," ayon sa isang lalaki.


"The Chinese government is good. The Chinese government does everything for its people, and the people are supreme. It is different from foreign countries," ayon sa isa pang partygoer.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 2, 2020



Balik-eskuwela na ang mga mag-aaral sa Wuhan, China na itinuturong pinagmulan ng

coronavirus ngayon.


Hindi lamang high school students ang nagbalik-eskuwela kundi maging ang mga kindergarten, primary at middle school.


Pero kahit pinayagan na sila, kailangang magsuot pa rin ng face mask ang mga mag-aaral at kung hanggang maaari ay pinaiiwas din ang mga ito na gumamit ng pampublikong sasakyan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page