top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 18, 2023




Binigyan ng bagong motorized boat ng Rotary Club ng Calapan ngayong Sabado ang mangingisdang hinabol ng Chinese Coast Guard nu’ng buwan ng Setyembre dahil ayaw pangisdain sa Scarborough Shoal.


Kinilalang si Arnel Satam ang mangingisda na ngayon ay labis ang pasasalamat dahil malaking bagay ang bangkang natanggap niya para sa kanyang hanapbuhay.


Ayon kay Calapan Rotary Club Pres. Percival Martinez, maaaring gamitin ni Satam ang bangka para pagkakitaan ito dahil hindi lang siya ang makikinabang dito kundi maging ang mga Pinoy na umaasa rin sa mga mangingisda.


Aniya, kung titigil si Arnel at ang ibang kagaya niya na mangisda dahil sa sigalot sa China sa West Philippine Sea ay magkakaroon din tayo ng kakulangan sa suplay ng makakaing isda.


Matatandaang humingi ng tulong si Satam sa Philippine Coast Guard dahil napagtanto niya ang kakulangan ng suporta ng mga ito sa lugar.


Nagpaalala rin ang mangingisdang hindi dapat na matakot na ipaglaban ang sariling teritoryo ng bansa.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023




Kinumpirma ngayong araw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang magiging paghaharap nila ng presidente ng China na si Xi Jinping sa isang pagpupulong upang talakayin ang tumataas na tensyon ukol sa West Philippine Sea.


Ibinahagi ni Marcos ang kanilang naging pag-uusap ni Vice President Kamala Harris tungkol sa WPS kung saan natalakay ang mga paraan para panatilihin ang kapayapaan sa gitna ng China at 'Pinas.


Aniya, ang nakikita niyang kolektibong misyon ng bansa, Philippine Coast Guard, militar, ng mga mangingisda, at ng lahat ay mapanatili ang kapayapaan at mapababa ang umiinit na mga insidente sa WPS.


Matatandaang patuloy ang agresyon ng China laban sa mga kilos ng PCG at mga mangingisda sa sariling teritoryo ng 'Pinas.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023




Napasok nang ligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Ayungin Shoal nu'ng Biyernes matapos nilang matagumpay na maiwasan ang 15 barkong China Coast Guard at barkong militia.


Dalawang bangka na magsu-suplay sa BRP Sierra Madre ang binantayan ng PCG.


Isang barkong pandigma nu'ng World War II din ang naka-ground mula pa ng taong 1999 ang nagsisilbing simbolo ng pangangalakal ng 'Pinas sa West Philippine Sea.


Kinumpirma ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na nagging maayos ang nangyaring misyon kahit na sinubok ng China na manggulo at harasin ang routine resupply sa BRP Sierra Madre.


Sa nasabing pangyayari, tinignan at sinuri din ng PCG-AFP ang apat na People Liberation Army Navy vessels, kasama na ang isang barkong ospital at bangkang misayl na nasa teritoryo ng Ayungin Shoal.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page