FPni Angela Fernando - Trainee @News | November 21, 2023
Nagsimula na ang joint maritime at air patrols ng 'Pinas at U.S. sa West Philippine Sea ngayong Martes.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang post sa X, mahalagang hakbang ang pagkilos na ito dahil patunay ito ng pangakong pagpapalakas ng makabagong puwersang militar sa pangunguna ng maritime at air patrols.
Aniya, malaki ang tiwala niyang magbibigay ng ligtas at matibay na bansa para sa mamamayan ang ginawang kolaborasyon.
Bahagi ang pagkilos na ito ng kasunduan ng Mutual Defense Board - Security Engagement Board (MDB-SEB) ng dalawang bansa.
Nilinaw naman ng Presidente na magpapatuloy ang pagpapatrol hanggang Nobyembre 23.