ni Angela Fernando - Trainee @News | December 11, 2023
Matagumpay na narating ng isang bangkang parte ng 'Christmas convoy' ang Lawak Island nitong Lunes kahit pa bantay-sarado ang West Philippine Sea (WPS) ng mga barkong militar ng China.
Kinumpirma ito ng 'ATIN ITO' Coalition sa isang pahayag, “December, 5:00 am. Nakalusot! They are now in the process of dropping off donations and supplies with the help of frontliners stationed in the area."
Matatandaang inurong ng ATIN ITO ang kanilang misyon matapos na sila'y paikutan ng mga sasakyang pandagat ng China nu'ng Linggo.
Kasunod din ito ng mga ulat na ang mga barkong militar ng China ay binangga at ginamitan ng water cannon ang mga sasakyang pandagat ng 'Pinas na nasa misyon at patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.