top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 24, 2024




Nagpahayag si Dr. Renato de Castro, security analyst at propesor sa Department of International Studies of De La Salle University, na posibleng tamang panahon na para suriin ang kasalukuyang patakaran ng bansa, lalo pa't nanggigipit muli ang mga Chinese Coast Guards (CCG) at maritime militia sa West Philippine Sea.


Saad ni De Castro, "Pinakikita natin sa mundo at sa ating mga alyado na we are trying to moderate our behavior. Ayaw natin mag provoke pero yun nga ang implikasyon ng ating polisiya– we don’t want to further intensify the situation despite the fact na lagi tayong sinisisi ng China."


Dagdag ni De Castro, dapat maghanda ang Pilipinas para sa mga plano ng pagpapalawak ng teritoryo ng China.


Hindi binabalewala ng security analyst ang pagsasakatuparan ng kalabang bansa sa kanilang mga plano.


Ayon sa kanya, hindi dapag magpakakampante ang 'Pinas.


Samantala, ipinaalam din niya sa kanyang mensahe na magkakaroon ng pagpupulong sa Lunes kasama si National Security Adviser Eduardo Ano at ang Cluster E upang talakayin kung dapat bang baguhin ng bansa ang kanilang taktika o itutuloy ang dating procedure.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 19, 2023




Nagpahayag ang Ministry of Foreign Affairs ng China nitong Martes na handa nang makipagtulungan ang nasabing bansa sa 'Pinas sa pamamagitan ng pakikipag-usap hinggil sa West Philippine Sea.


Ayon sa ministry, pananagutan ng 'Pinas ang mga kamakailang pangyayari sa WPS ngunit ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay hindi lang ukol sa sinasabing alitan.


Tugon ito sa pahayag ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. hinggil sa bilateral na ugnayan.


Pahayag ni Ministry spokesperson Wang Wenbin, "We will not close the door to dialogue and contact with the Philippines." 


Bukod sa bansa, ang mga miyembro ng ASEAN tulad ng Vietnam, Malaysia, at Brunei ay inaangkin din ang ilang bahagi ng West Philippine Sea, na daanan para sa higit $3 trilyon na taunang kalakal na dala ng mga sasakyang pandagat.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 13, 2023




Inirekomenda ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio nitong Miyerkules na humingi ang gobyerno ng 'Pinas ng tulong mula sa pandaigdigang tribunal na magtakda ng mga patakaran sa pangingisda para sa mangingisda ng bansa, China, at Vietnam sa Scarborough Shoal.


Saad niya, "What we should do is to lay the ground rules because we must determine how many tons per year can each side catch at their end. We also have to allow the fish to recover. There will be a fishing season and an off season for fishing."


Aniya, dapat daw itong i-propose sa China at Vietnam at lumapit na sa tribunal kung hindi papayag ang dalawang bansa upang ang tribunal na mismo ang magtakda ng mga patakaran na batay sa rekomendasyon ng 'Pinas.


Ayon pa sa kanya, dapat na magkaroon ng aktibong pagmumungkahi ng mga patakaran sa teritoryo ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page