ni Angela Fernando - Trainee @News | April 19, 20244
Binigyang-diin ng China sa isang pahayag na merong “internal understanding” at bagong modelo ang kanilang bansa kasama ang 'Pinas upang mabawasan ang tensyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), ngunit inabandona ito ng administrasyon ng Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. pitong buwan matapos ang nasabing kasunduan.
Ang pahayag na ito, ay inilabas ng Chinese Embassy sa Maynila nu'ng Huwebes, isang linggo matapos na kinumpirma ng Beijing at dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon silang "gentleman's agreement" upang panatilihin ang "status quo" sa WPS, na ang kanyang pamahalaan ay pumayag sa mga hirit ng China na hindi kumpunihin o palakasin ang outpost ng militar sa Ayungin - ang sira-sirang barko ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na BRP Sierra Madre.
Ayon sa pahayag, hindi naging lihim ang nasabing kasunduan dahil kinikilala ito ng mga kaukulang ahensya ng parehong panig upang mapanatili ang kapayapaan sa nasabing lugar.