top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | September 25, 2023





Naglagay ng floating barrier sa timog silangang bahagi ng Bajo de Masinloc shoal ang China Coast Guard.


Sa larawang ibinahagi ng Philippine Coast Guard, makikitang hindi makatawid ang mga mangingisdang Pinoy dahil sa harang.


Ang PCG at Bureau of Fisheries Aquatic Resources, mariin namang kinondena ang paglalagay ng China Coast Guard ng floating barrier.


Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa isyu sa West Philippine Sea, may habang 300 metro ang floating barrier na nadiskubre ng PCG at BFAR personnel na sakay ng BRP Datu Bankaw habang nagsasagawa ng maritime patrol noong September

22.


Batay umano sa kwento ng mga mangingisdang Pinoy, naglalagay ng floating barriers ang CCG tuwing may nakikitang malaking bilang ng mga Pinoy na nangingisda sa lugar.


Nagbigay naman ng ayuda ang PCG at BFAR sa mga apektadong mangingisda gaya ng grocery items pero nakaranas sila ng 15 radio challenges at tinangka silang paalisin.



 
 

ni BRT @News | September 24, 2023




Nasagip ng mga tauhan ng barkong pandigma ng China ang dalawang mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).


Ayon sa Chinese authorities, naglalayag ang naval vessel ng Chinese People’s Liberation Army sa bahagi ng Spratly’s Island nang mamataan ang mga mangingisdang humihingi ng tulong.


Agad na nilapatan ng paunang lunas ng mga Tsino ang isa sa dalawang mangingisda nang tamaan ng propeller blades.


Samantala, bukod dito ay nagpaabot din ang mga Tsino sa mga mangingisda ng pagkain at gamot.


Kasunod nito ay itinurnover naman ng China Coast Guard sa mga awtoridad ng Pilipinas ang dalawang nasagip na mga mangingisda sa pamamagitan ng communication hotline.



 
 

ni Madel Moratillo / Jeff Tumbado @News | August 23, 2023



Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea ang matagumpay na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.


Sa isang pahayag, sinabi ng Task Force na hindi naging madali ang resupply mission dahil tinangka pa rin silang harangin ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.


Nagkaroon din umano ng harassment pero sa kabila nito, matagumpay na nakarating ang supply ships Unaizah May 1 at Unaizah May 2 sa BRP Sierra Madre.


Nakaalalay naman sa kanila ang BRP Cabra at BRP Sindangan ng Philippine Coast Guard.


Gayunman, dahil may dati ng water cannon incident na nangyari noong August 5, naka-standby na rin ang Philippine Navy sa buong panahon ng misyon. Matatandaang noong Agosto 5, isang bangka lang ang nakarating at nagtagumpay sa paghahatid ng misyon kaya muling nagsagawa ng resupply mission ngayong buwan.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page