ni Eli San Miguel @World News | Sep. 26, 2024
Iniulat ng defense ministry ng Taiwan, ang pagdami ng mga warplanes ng China sa kanilang silangan, kanluran, at timog na baybayin. Nagpapahiwatig umano ito ng pagsisimula ng pag-atake ng China upang hadlangan ang tulong mula sa mga banyagang puwersa sa panahon ng posibleng digmaan.
Mula sa nakaraang limang taon, itinuturing ng Beijing ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo at nakaranas ito ng pagtaas ng military activity ng China.
Sa nakalipas na 24 na oras, 43 warplanes ng China ang na-detect, kung saan 11 ang tumawid sa median line ng Taiwan Strait.
Sa mga ito, 23 ang lumipad pa-timog sa pamamagitan ng Bashi Channel at kasama ang silangang baybayin ng Taiwan nang hindi pumapasok sa territorial airspace. Hindi naman agad nagbigay ng komento ang defense ministry ng China.