ni Thea Janica Teh | December 12, 2020
Umabot na sa 69.82 milyong katao ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa buong mundo at 1,588,088 dito ang pumanaw na, ayon sa tally ng Reuters ngayong Sabado.
Ang bilang na ito ay nai-report sa 210 bansa simula noong Disyembre 2019 na nagsimula sa China. Nangunguna pa rin sa pinakamataas na bilang ang US sa 15,598,872 at 292,642 ang namatay.
Sinundan ito ng India sa 9,796,769 kaso at 142,186 ang namatay; Brazil sa 6,781,799 kaso at 179,765 ang namatay; Russia sa 2,597,711 kaso at 45,893 ang namatay at France sa 2,351,372 kaso at 57,567 ang namatay. Nasa ika-27 naman sa listahan ang Pilipinas sa 447,039 kaso at 8,709 ang namatay.