ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 31, 2020
Aabot sa 20 katao ang namatay at marami ang sugatan sa naganap na pag-atake sa Aden, Yemen noong Miyerkules matapos dumating sa airport ang eroplanong sakay ang bagong government cabinet.
Wala namang naiulat na sugatan sa hanay ng mga cabinet ministers at mabilis na inilikas ang mga ito at agad na dinala sa presidential palace sa Aden. Ilang oras matapos ang insidente ay muling nagkaroon ng pagsabog sa Palasyo kung saan naroon din si Prime Minister Maeen Abdulmalek.
Pahayag naman ni Abdulmalek sa kanyang Twitter account, “We and the members of the government are in the temporary capital of Aden and everyone is fine, the cowardly terrorist act that targeted Aden airport is part of the war being waged against the Yemeni state and our great people, and it will only increase us insistence on fulfilling our duties until the coup is ended and the state restored and stability, mercy for the martyrs and healing for the wounded.”
Ayon naman kay Aden Health Official Mohamed Robeid, maaari umanong madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente. Pahayag naman ni UN Yemen Envoy Martin Griffiths, "I wish the cabinet strength in facing the difficult tasks ahead.
"This unacceptable act of violence is a tragic reminder of the importance of bringing Yemen urgently back on the path towards peace."