ni Angela Fernando @World News | Oct. 17, 2024
Photo: CNBC / Circulated
Iniulat ng state media ng North Korea kamakailan na tinatayang 1.4-milyong kabataan ang nag-apply upang sumali o bumalik sa hukbong militar ngayong linggo, kung saan sinisi nila ang Seoul sa sinasabing probokatibong pagpasok ng drone nito na nagdala ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ay kasunod ng mga akusasyon ng North Korea na nagpapadala ang South Korea ng mga drone sa Pyongyang, na nagpakalat ng malaking bilang ng mga leaflets kontra-Norte.
Matatandaang winasak ng Norte ang mga kalsada at linya ng tren na nag-uugnay sa dalawang bahagi Korea nu'ng Martes bilang tugon, at binalaan ang South.
Ayon sa opisyal na ulat ng KCNA news agency, ang mga kabataan, kabilang ang mga estudyante at opisyal ng youth league na lumagda sa mga petisyon upang sumali sa hukbo, ay determinadong lumaban sa isang "sacred war of destroying the enemy with the arms of the revolution."