ni Eli San Miguel @World News | Oct. 22, 2024
Israeli military / Hezbollah al Sahel hospital. Photo: Israel Defense Forces
Inihayag ng militar ng Israel, na nagtago ang Hezbollah ng daan-daan milyong dolyar na pera at ginto sa ilalim ng isang ospital sa Beirut, ngunit hindi nila tatargetin ang pasilidad sa kabila ng patuloy na pag-atake sa mga pinansyal na ari-arian ng grupo.
Sinabi ni Fadi Alameh, isang mambabatas ng Lebanon mula sa Shi'ite Amal Movement at direktor ng Al-Sahel hospital, na ang mga pahayag ng Israel ay mali at mapanira. Ayon pa sa kanya, ini-evacuate na ang ospital.
Itinanggi naman ng Israel na target nilang bombahin ang pasilidad. Hindi pa nakukumpirma ng Reuters ang mga detalye mula sa punong tagapagsalita ng militar ng Israel na si Rear Admiral Daniel Hagari. Hindi rin agad nakapagbigay ng pahayag ang Hezbollah.