top of page
Search

ni Mabel Vieron @Overseas News | July 11, 2023




Inudyukan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang Ukraine na huwag gamitin ang cluster bomb na planong ibigay ng Amerika sa giyera laban sa Russia.


Aniya, ito ang magiging pinakamalaking panganib para sa mga Ukrainian sa loob ng maraming taon o hanggang 100 taon kung ang mga cluster bomb ay gagamitin sa mga lugar na sinasakop ng Russia sa kanilang teritoryo.


Inalala rin ng opisyal ang masalimuot na karanasan ng Cambodia sa mga cluster munitions ng U.S. na ibinagsak noong unang bahagi ng 1970s na ikinasawi ng libu-libo katao.



 
 

ni Mabel Vieron | June 24, 2023




Ipinagmamalaki ng U.S at India ang pagkakaroon nila ng malaking respeto sa human rights.


Sa pagbisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi, pinag-usapan umano nila ang pagpapatibay ng relasyon sa U.S at India.


Pinalawig din ni Biden ang educational visas sa mga India kung saan posibleng madagdagan pa ang 125,000 na estudyante ng India upang makapag-aral sa U.S.


Natalakay din nila ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia kung saan handa umano silang pumagitna upang matigil na ang kaguluhan.


 
 

ni Mabel G. Vieron | June 23, 2023




Inamin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na bumagal umano ang ipinapatupad nilang mga opensiba upang mabawi ang ilang mga lugar na sinakop na ng Russia.


Dagdag pa nito, ang mga hakbang ay hindi isang pelikula dahil nakataya aniya ang buhay ng kanilang mga sundalo.


Sa mga nagdaang linggo ay mayroong walong bayan mula sa Donetsk at Zaporizhzhia ang kanilang nabawi. Pagtitiyak pa nito, itutuloy pa rin nila ang pagbawi sa mga lugar na sinakop ng Russia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page