ni Eli San Miguel @Overseas News | June 16, 2024
Libu-libong babae ang nagprotesta sa Brazil laban sa isang panukalang batas sa Kongreso na magmamarka ng abortion pagkatapos ng 22 linggo bilang homicide, na may sentensya na anim hanggang dalawampung taon sa bilangguan.
Nagmartsa ang mga nagpoprotesta sa Sao Paulo sa Paulista Avenue na may mga banner na sumasalungat sa panukalang ito, na itinuturing na pinakamahigpit na hakbang sa reproductive rights ng kababaihan sa loob ng maraming mga dekada.
Sa Brazil, pinapayagan lamang ang abortion sa mga kaso ng rape, fetal deformity, o para iligtas ang buhay ng ina.
Maaaring gawing homicide ang abortion na resulta ng panggagahasa, dahil sa isang bagong panukalang batas na sinusuportahan ng mga evangelical lawmaker.
Kumokontra ang mga feminist groups sa panukalang batas, at sinasabing nagtatakda ito ng mas mabigat na parusa kaysa sa mga rapist. Maaaring magdulot ang mabigat na batas sa abortion sa Brazil ng hindi ligtas at ilegal na mga abortion at maling mga prosedura, na sanhi ng dosenang pagkamatay taun-taon.