ni Lolet Abania | September 16, 2021
Libu-libong mga health workers sa France ang sinuspinde na walang bayad dahil sa pagkabigo ng mga itong magpabakuna kontra-COVID-19 bago pa ang itinakdang deadline ngayong linggo, ayon kay Health Minister Olivier Veran ngayong Huwebes.
“Some 3,000 suspensions were notified yesterday to employees at health centers and clinics who have not yet been vaccinated,” ani Veran sa interview sa RTL radio. Ayon pa sa opisyal “dose-dosena” ring mga health workers ang naghain ng kanilang resignations kaysa anila mag-sign up sa pagpapabakuna.
Sinabi ni Veran, kumpara ito sa 2.7 milyon health workers sa kabuuan nagpabakuna na aniya, “continued healthcare is assured.”
Nagbigay na ng ultimatum si Presidente Emmanuel Macron sa mga staff ng mga ospital, retirement home workers at sa mga fire service personnel noong Hulyo na tanggapin nila kahit na isang shot ng COVID-19 vaccine nitong Setyembre 15 o harapin nila ang unpaid suspension.
Marami sa mga nurse sa naturang bansa, ang nag-aatubili o nagdadalawang-isip na magpabakuna dahil anila sa tinatawag na safety o efficacy ng vaccine, habang nakikitaan umano nila ng panganib sa ginagawang inoculation drive ng France.
Sa taya ng national public health agency ng France noong nakaraang linggo, tinatayang 12% ng hospital staff habanf nasa 6% ng mga doktor sa private practices ang babakunahan pa.
Sa kabuuan, 70 % ng mga French ang nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine o fully vaccinated, na available para sa lahat mula sa edad 12.
Habang 74 % pa lamang ang nakatanggap ng isang dose, kung saan maraming atubiling magpabakuna kahit na marami silang supply ng COVID-19 vaccine.