ni Loraine Fuasan (OST) | April 1, 2023
SOUTH KOREA — Ibinulgar ng Unification Ministry na bitay ang hatol ng mga taga-North Korea sa mga mamamayan na may kinalaman sa droga at sa pag-share ng videos at religious activities ng South Korea.
Ayon sa ulat ng South Korea Unification Ministry, na namamahala sa inter-Korean affairs, ang inilabas na testimonya ay nakabase lamang sa nakalap noong 2017 hanggang 2022, na nagmula sa mahigit 500 North Koreans ang tumakas sa kanilang bansa.
Batay kay South Korean President Yoon Suk Yeol, na hindi marapat na makatanggap ng kahit konti na economic aid ang nasabing report sa pang-aabuso ng North Korea habang isinusulong ang nuclear ambitions at marapat din itong mai-report sa international community.