ni Eli San Miguel @World News | July 1, 2024
Inihayag ng militar ng South Korea na nagpaputok ang North Korea ng isang short-range ballistic missile at isa pang ballistic missile ngayong Lunes.
Pinaputok ang unang short-range ballistic missile patungong hilagang silangan, bandang 5:05 ng madaling-araw (2005 Sunday GMT) mula sa malapit na bahagi sa Changyon, South Hwanghae Province sa North Korea.
Sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea na natuklasan ang isa pang 'di natukoy na ballistic missile, bandang 5:15 ng madaling-araw mula sa parehong lugar. Pumutok ang unang missile ng mga 600 kilometro (373 milya).
Pumutok naman ang pangalawang missile ng mga 120 kilometro. Ayon pa sa pahayag, pinag-aaralan ng South Korea at ng United States ang launching ng mga ito.
Noong Linggo, kinundena ng North Korea ang isang joint military exercise ng South Korea, Japan, at United States na ginanap noong nakaraang buwan at nagbabala ng nakababahalang tugon laban sa gayong mga pagsasanay.