top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 2, 2021





Nadiskubre ng World Health Organizations (WHO) ang Delta variant ng COVID-19, bilang pangatlong mutations ng naturang virus at itinuturing na dahilan kaya mabilis ang hawahan nito sa India.


Ayon pa sa WHO COVID-19 technical lead na si Maria Van Kerkhove, "We know that the B.1.617.2, the Delta variant, does have increased transmissibility, which means it can spread easier between people.”


Dagdag niya, “What we understand is that it is this B.1.617.2 variant with one additional deletion in the location of the spike protein.”


Nitong May 31 lamang ay inianunsiyo ng WHO na ipapangalan na nila ang mga variant of concerned ng COVID-19 alinsunod sa Greek alphabet upang maiwasan ang pagkalito at diskriminasyon kapag ibinase iyon sa bansang pinagmulan ng mutations, katulad ng Indian variant, South African variant, UK variant at Brazilian variant.


Sa ngayon ay tatawagin nang Alpha variant ang B.1.1.7 lineages ng UK variant, habang Beta variant naman ang itatawag sa B.1.351 lineages ng South African variant, Gamma variant para sa P.1 lineages ng Brazilian variant, at Delta variant sa B.1.617.2 lineages ng Indian variant.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021




Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa ‘Pinas ang Indian variant ng COVID-19, kung saan 2 ang iniulat na nagpositibo, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong umaga, May 11.


Batay pa sa World Health Organizations (WHO), ang mutations ng E484Q at L452R ay idineklarang ‘variant of concern’ at ‘concern at the global level’ dahil mas mabilis itong kumalat at makahawa.


Matatandaan namang ipinatupad ang travel ban sa ‘Pinas upang maiwasan ang pagpasok ng Indian variant.


Gayunman, ilang biyahero galing India pa rin ang nakapasok sa bansa, kung saan 12 ang iniulat na nagpositibo sa COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021





Dumating na sa ‘Pinas ang 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility pasado alas-9 kagabi, Mayo 10.


Ito ay donasyon ng World Health Organizations (WHO) at ang kauna-unahang bakuna na gawang Amerika na nai-deliver sa bansa. Nagtataglay din ito ng 95% efficacy rate laban sa virus.


Ayon pa sa Pfizer, nangangailangan ang bakuna ng cold storage facility na may temperaturang -80ºC hanggang -60ºC.


Nakatakda namang ialoka ang 132,210 doses nito sa Metro Manila, habang tig-29,250 doses naman sa Cebu City at Davao City.


Sa ngayon ay 7,733,650 doses na ang kabuuang bilang ng mga dumating na COVID-19 vaccines sa bansa, kabilang ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page