top of page
Search

ni Angel Fernando @News | Jan. 16, 2025


Photo File: AFP / Circulated


Pinaigting pa ng Israel ang mga pag-atake sa Gaza ilang oras matapos ianunsyo ang kasunduan ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mga bihag, ayon sa mga residente at opisyal sa Palestinian enclave.


Ang komplikadong kasunduang ito sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas, na may kontrol sa Gaza, ay inilabas nu'ng Miyerkules matapos ang ilang buwang pag-uusap ng Qatar, Egypt, at United States (US).


Layon ng nasabing kasunduan na tapusin ang 15-buwang matinding karahasan na sumira sa coastal territory at nagpalala ng tensyon sa Middle East.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 15, 2024



Photo: Syria Military RU


Nagbabawas na ang Russia ng kanilang mga militar mula sa front lines sa Syria at mga post sa Alawite Mountains, ngunit hindi pa tuluyang aatras at mananatili ang presensya nito sa dalawang pangunahing base militar ng bansa kahit matapos ang pagbagsak ni Pres. Bashar al-Assad.


Ang pagbagsak ni Assad ay nagdulot ng pagdududa sa kinabukasan ng mga base ng Russia sa Syria. Partikular na pinag-uusapan ang Hmeimim airbase sa Latakia at Tartous naval facility.


Batay sa satellite images kamakailan, nakita ang hindi bababa sa dalawang Antonov AN-124 cargo planes—ilan sa pinakamalalaking eroplano sa buong mundo—na nakaistasyon sa Hmeimim airbase, at may bukas na nose cones na tila naghahanda para magkarga ng kagamitan.


Ayon sa isang opisyal ng Syria na nasa labas ng pasilidad, isa sa mga cargo planes ang lumipad patungong Libya nu'ng Sabado.


Samantala, kinumpirma naman ng mga opisyal ng militar at seguridad sa nasabing bansa na may direktang komunikasyon sa mga puwersa ng Russia na binabawasan na ng Moscow ang kanilang presensya sa mga front lines, kasama ang pag-withdraw ng mabibigat na kagamitan at ilang senior Syrian officers.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 13, 2024



Photo: Israel - Reuters / Khamis


Umabot sa 66 ang bilang ng mga namatay sa Gaza Strip matapos na pumatay ng hindi bababa sa 30 Palestinians at nagtamo ng 50 sugatan ang airstrike na ginawa ng Israel.


Ayon sa mga medics, tinamaan ng strike ang isang pasilidad ng post office sa Nuseirat camp, kung saan sumisilong ang mga pamilyang lumikas, at nagdulot din ng pinsala sa ilang kalapit na tahanan.


Hindi naman tumugon ang Israeli military sa kahilingan ng Reuters na magkomento sila sa nasabing pag-atake.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page