ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 2, 2024
Photo: Karla Estrada - IG
Inamin ni Karla Estrada na masayang-masaya ang puso niya ngayon.
Hindi lingid sa marami ang kinahinatnan ng relasyon niya sa ex-boyfriend na si Jam Ignacio na engaged na sa kanyang non-showbiz girlfriend ngayon.
“I’m okay,” nakangiting sabi ni Karla.
Aniya, “Sobrang saya ko. Kasi, I’m a lola now. Si Carlito, my second son, nagsilang na ang kanyang wife. Lalaki, his name is Claudio. November 12 s’ya ipinanganak. So, magti-three weeks, wala pang isang buwan.”
Ano'ng feeling ng isang lola now?
Sagot niya, “Hindi ko pa maramdaman ‘no dahil alam mo naman, na-rock and roll tayo.
Pero siyempre, parang bunsong kapatid ‘yung feeling.
“Kasi ang aga ko, eh, ang aga kong nagka-anak kay Carlito, I was only 20. So, expected natin ‘yan ‘pag maagang nagkaanak, maagang magiging lola.”
Abala si Karla sa pangangampanya ngayon at mas magiging abala pa next year.
Siya kasi ang endorser ng Tingog Partylist at ito ang dahilan kaya raw siya nagpaalam sa programa niya sa TV5.
“Bawal kasing mag-appear sa kahit saang show ‘pag magka-campaign ka. Eh, as an endorser of Tingog Partylist, so, kailangan nating mag-focus. Dahil sa partylist, as we all know, national kasi,” esplika ni Karla.
Isasama ba niya si Daniel sa campaign?
“‘Yan ang ‘di ko pa masasagot,” sambit ni Karla.
After election daw ay babalik din siya sa pagho-host sa television. And this time, babalik daw siya sa ABS-CBN.
Sey niya, “Tawid-tawid lang, tutal ganu’n naman. Pero, ngayon sa gagawin ko, for public service, baka mag-focus na lang talaga muna ako. Hahayaan ko na lang ‘yung mga anak ko rito sa industriyang inumpisahan natin.”
But for now, sa public service raw muna siya magko-concentrate.
Pahayag niya, “Oo, public service tayo para marami ang matutulungan. Matagal ko nang gusto talaga ang public service, ‘di ba? Alam n’yo naman ‘yun.
“Pero eto kasi, nabigyan ako ng pagkakataon, mas marami talaga ang natutulungan. At uh, I’m really, really very happy kung nasaan ako ngayon, with my Tingog Partylist, they are all from Leyte, they’re all from Tacloban City. Mga kaibigan ko talaga sila, especially Martin Romualdez.”
Lastly, we asked Karla Estrada kung bakit 'di siya ang kinuhang nominee ng Tingog Partylist?
“Uhm, marami kaming… may dynamics kasi, maraming planning ‘yan. Ang importante, magkakasama kami, magkakaibigan,” sagot niya.
IKAKASAL na ang first apo ng comedian-TV host na si Joey de Leon na si Javi de Leon ngayong December 2 sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Wilma Diaz.
Anak si Javi ng eldest daughter nina Joey de Leon at Daria Ramirez na si Cheenee de Leon.
Si Javi rin ang unang apo ni Joey na ikakasal. So, expect na ang malaking wedding na magaganap kina Javi at Wilma na gaganapin sa St. John Paul II Parish sa Eastwood City, Quezon City ngayong Lunes, 3 PM.
Pero wala raw principal sponsors na taga-showbiz. Sadyang intimate raw and more on family members ang invited.
Gaya na lang sa mga sponsors, sina Ariel Villasanta, Jako de Leon at Keempee de Leon ang nasa line-up na mga kamag-anak din ni Javi.