ni Julie Bonifacio @Winner | March 1, 2023
Speaking of “unfollow,” kinorek ni Pokwang ang isang item na lumabas sa isang tabloid tungkol sa pagbawas ng kanyang mga followers on her socmed accounts.
Marami raw ang nag-unfollow kay Pokwang dahil sa mga banat niya sa ex-partner na si Lee O'Brian.
Tweet ni Pokie, “Ha????? Sa pagkakaalam ko, 3M pa rin followers ko sa IG at ganu'n pa rin, 2.6M pa rin sa Twitter, ahhahahahaa, baka fake account 'yang sinasabi n'yo?”
Paliwanag pa ni Pokie, pagdating sa kanyang Facebook, naka-private raw ito at friends lang niya ang nakaka-access dito.
Pero si Lee raw ang nabawasan ng mga followers from 231K, naging 217K na lang.
Pero may isang netizen ang nag-post ng reply sa tweet ni Pokie, “Hello po! Isa ako sa nag-unfollow sa inyo. Siguro, iilan lang kami kaya hindi n'yo po ramdam. Nag-unfollow po ako sa inyo dahil ayoko na nakikita kayong nasasaktan. Siguro, nasanay din lang ako na strong Pokwang at hindi sa Pokwang ngayon na nasasaktan din pala. Be well po. God bless!”
Nag-reply si Pokie sa mensahe ng netizen, “I-unfollow n'yo 'yung nanakit, hindi 'yung nasaktan."
Nagpakita naman ng assurance ang ilang fans/followers ni Pokie na ‘di nila iniwan ang komedyana.
“Nandito po kami, tahimik man o maingay, na masugid na sumusuporta sa inyo.”
“Still here, Mamang. Support sa 'yo.”
'Yun naman pala!